<body>


Saturday, February 23, 2008


Undefined..
Hindi ko maintindihan feelings ko kahapon. May masaya, naiinis, bored. Basta magulo. Oh basta kahapon boring. Wala kaming Religion! hahaha! Takte namiss ko tuloy si Ms. de lara.

First period namin SocSci. Ok lang hindi masyadong boring kasi gumagawa ako ng EOP journal ko nun. Buti nga hindi ako nahuhuli eh. Hahaha! Next period Lib hour ito pinakaboring talaga. May pinasagot lang sa aming seatwork chuva then after nun nagcheck pagkatapos nun, wala na. Dakdakan na. Nagtatawanan kami nila Rina, Kazandra basta yung mga backmates ko. *wink.

Recess, wala naman hindi ako kumain dahil kami ay nagvolleyball. Buti nga may net kami e. Hahaha! After recess computer. PFFT. Boring din! Hahaha! Next period, English, nako nabuksan yung topic na OUTSIDERS dahil sa akin. Eh pano ba naman lagi ko na lang nadadatnan yung pouch kong bukas eh kitang kita ni Jazel na sinara ko yung pouch ko. Good thing walang nawala. Tapos ayun, natawa lang talaga ako dun sa kwento ni Mrs. de la cruz about sa sapatos na bigla na lang nawawala sa harap ng chapel. Tapos 'tong si Regine, nagkwento tungkol sa ano. Basta yun, nawala daw yung sapatos sa chapel pero binalik naman daw. Laughtrip. Hahaha!

Math. Bwiset na math yan, may assignment hindi ko ginawa tapos yun din pala gagawing reviewer hindi ko pa naman gets yung lesson. Tapos madaya 'tong si Regine kasi nagclinic siya. >:P grabe ang dami kong nasagot dun sa matching type. Naglagay pa ako ng solution wala rin palang tumugmang sagot. Hahaha! Tapos ayun nakaiglip ako ng konti.

Lunch. Kumain ako ng Oreo. YUUMM!♥ tapos volleyball with Regine and Tinay pagkatapos. 'Tong si Regine pinagtitripan niya si Hiwaw "Hiwaw supot" daw. Hahaha! Tapos ako nakiasar na rin ako, tapos tinigil ko na kasi baka masaktan si Hiwaw. Napasigaw ako ng malakas kasi yung thumb ko hindi ko ma-bend. Haha! Injured ulit sa volleyball. Tapos nagpunta kami ni Jana sa statio para bumili ng scotch tape at ako naman bumili ng clear book para sa EOP journal tapos direcho sa canteen bumili kami ng 3 tubig at grin peas pang foodtrip. Ayun.

Science period medyo makulit kami ni Suy eh pano ba naman si Suy nagchecheck nung assign ni Yna. Tapos tanong ng tanong sa akin si Suy kung ano ba yung mga sagot ni Yna tapos nung patingin ko WHOAW naiintindihan ko. Tapos tawa kami ng tawa sa harap ng teacher tapos nagulat na lang kami nagsalita bigla si Mrs. Bayle tungkol dun sa mga cellphones. simula daw Tuesday may inspection na ng mga bags and lockers ata. HUWAAAT! wala na kaming kawala. Hahaha! Wala, nadala na ako hindi na ako muli magdadala. TSS. Ayun. Tapos bumaba ako ng clinic kasi sobrang sakit na nung thumb ko.

Clinic, pagdating ko sa clinic, walang tao akala ko walang tao.. meron pala andun sila nagtatago sa isang sulok at naguusap. Tapos ayun humingi ako ng ice tapos babalik ako 3:00 pero binalik ko 2:20. Hahaha! Tapos ayun guidance na, laughtrip kami sa mga pinaggagawa kami nung mga grade 1 pa kami. Haaay memories! Grabe tawa kami ng tawa. 'Yung sa akin nakita ko "last may 6, 1994 a angel Tin Tin was born. She was CUTE and NORTY" =)) Shet shet shet. Tapos ito sobrang tawang tawa si Regine dito. "I will obey my mother, when my mother is talking I will obey her. And I will not make my mother angry." =)) Paulit-ulit eh no? Grabe tawa kami ng tawa. Lalo na yung kay Regine. "Regine is sad because SHE WANTS MILK" =)) =)) Puta grabe talaga.

Dismissal, akala namin may remedial wala pala. So tambay sa g3. Tapos nung wala na akong magawa,nakita ko sila Teejay paalis tapos tinanong ko kung saan sila pupunta sabi nila sa IceCream House. Tapos sumama ako. Nagpaload muna si Elaine tapos pumunta na dun. May nakita akong mga 3rd years sa Jollibee kumakain. Hahaha! Hindi ko na lang sila pinansin. Tapos ayun. Nung andun na kami naabutan pa namin sila Fayne. Tapos umalis na sila pero babalik dun sila. Tapos ayun nagorder kami tapos ang tagal tagal. Basta, nakakatamad na magtype. Bago kami umalis, nagopen kami sa mga Family namin. Tapos bumalik na kami. Pagbalik laughtrip kami nila Fayne kasi nagtranslate chuva. Hahaha! Grabe kami ni Hillary sobrang tawang tawa kami. Tapos ayun nagvolleyball kami nila Katrina de Vera, Bellai, ako at Fayne. Grabe si Fayne laging trip ng bola. Tapos ayun umuwi na ako. :)

what we could have been, 9:30 PM.
Thursday, February 21, 2008


WTF.
Nung umaga kami ay bumababa sa YMPO para magpasign ng excuse letter. Tapos nun pinababa kami dahil sa Camera. Yeeey! Nahawakan ko rin ang camera ko kahit mga ilang minuto lang. =)) Ayun lesson lesson. BOREEENG. :))

Cooking day! Yey excited ako masyado kanina. After recess napasigaw ako ng sobrang lakas eh hindi ko naman na andun na si Ms. Paragas so nasitsitan ako ni Ms. Paragas. :)) Tapos puntahan na kami sa CULINARY ROOM. Shet cooking lab. :)) Ok, tapos ako nagluto at ang sarap. WEHH! :)) Pero totoo sabi ni Ms. Paragas "Very Good!" aba syempre, kami ata ang unique sa lahat ng nagluto. Kami lang ang walang Rice. =)) Tapos ayun hindi na ako naglunch. HEAVY masyado yung breakfast namin. :)) Ayun.

What the F*ck. Nakakaasar lang talaga yung period talaga ni ano. URGH. Kasi ganito 'yun. Sinabihan ko si Yna na burahin yung naka reminder under sa Religion "LONG QUIZ THURS/FRI" akala namin mabubuking nmin si ano kaso BOOM! hindi pala. Oh ito na period na niya, sabi niya "bring out 1/2 lengthwise" sabi naman namin "Bakit po?! HA?!" kung anu-ano ang tanong tapos narinig ko na sabi niya "aba, sumosobra na kayo ha" tapos ako parang speechless lang. Then sumigaw ako "MISS ABSENT AKO KAHAPON!" hulaan niyo sagot niya. Ito: "Eh ano ngayon kung absent ka?!" WTF ito yung nakakaasar. Nakakainis. Oh 'db? Tapos bago magtest nakipagaway si Kazandra kay Ms. de lara. Ok talo siya. =)) Nung pagkatapos ng away sabi ko "pwede! debate na 'to!" HAHA. Tapos ayun, nagquiz na sobrang hirap halos wala na akong masagutan dun.

Math, masyado kaming maingay kaya nabadtrip sa amin si Ms. Padernal ayun, hindi ko alam yung lesson at may quiz pa kami doon bukas. WTF. Sige good luck na lang sa resulta baka bokya na naman makuha ko dito. Takte.

Dismissal nagpalate ako umuwi mga 5:30 na kasi nagvolleyball kami nila Jackie. Mga quarter to 7 na ako nakauwi. Ayun, as usual madami na namang gagawin.

Clare del Rosario, ano na? Reresbakin na ba natin? GO NA! :))

what we could have been, 9:58 PM.
Wednesday, February 20, 2008


Liban.
Ako'y liban ngayong araw na ito. Ito'y dahil nahihilo ang nanay ko at ayaw niya akong papasukin. Habang wala pa akong makakausap sa Y!M, ginawa ko yung EOP Journal ko. Ok, malapit na siyang matapos. Sa Friday ko na isusubmit. :)

Sa mga TLE groupmates ko, paki dala ang mga materyales na kinakailangan sa pagluluto. Wag kalimutan ang apron at hairnet. Ako magdadala ng maliit na kawali at Keso. Wag kayong magalala, papasok ako bukas sa ayaw at hindi, papasok ako. :)

Ako ngayon ay magpupuyat na naman dahil dito sa linchak na MUSIC PPT! Bukas na submission nito pero malapit na kaming matapos. Examples na lang. WEE! Kung kelan kami nagmamadali, ang daming madamot na tao dito sa shop namin. >) Sandali lang naman ako makikigamit ng PC tapos ayaw nila akong paupuin. =)) Kaya natin 'to BELLAI! :))

what we could have been, 4:03 PM.
Tuesday, February 19, 2008


Ang hirap naman :|
Hindi ko na ata kaya. Takte ang daming ginagawa na kailangang magpuyat at hindi ko kaya yun. Ayoko pang lumabas mga eyebags ko. >:|

Ngayon, gingawa ko yung Powerpoint sa Music. Darn buti na lang natapos na ako kaso yung examples na lang kulang. Nainspired ata akong gumawa kanina. WOOT. May inspiration yan, at yan ay sila; Isabella Torres, BlackIce at si 0:-) Tapos hindi ko alam kung icocomputerize ko yung EOP Journal ko. Kasi parang mas maganda kung gawang-kamay. Ok, whatever basta naguguluhan talaga ako.

Takte, ang daming LQ/Q. AHHHHHHHHHHHHHH! Bukas may LQ sa Soc. Sci, ito wala paring laman ang utak. May Quiz sa Pinoy, wala pa rin akong naaral. Ano ba naman ito! Siguro ngayon makakatulog ako mga alas dose na ng madaling-araw. MAGALING! :| Sana may Religion bukas para makakatulog ako sa Period niya. :D Sama ng ugali. :))

Nakita ko pala post ni Tolens at siya ay galit na galit kay ano. Sino ba namang hindi, di ba? Pero parang ang epal naman ng pinagsasabi niya. Ito, tignan niyo.

"BAKIT ANG BABASTOS NIYO?"
"ANONG KLASENG SATANAS ANG PUMASOK SA INYO HA?"
"BAKIT KA BA GANYAN MAGULO?"

Sino kayang hindi ma-ooffend sa pinagsasabi niya. Ang lakas ng loob niyang tanungin sila Tolens na kung anong klaseng SATANAS pumasok sa kanila. PSS! Clare, ano na. YUNG PLANO NIYO/NATIN! Gawin niyo na, sobra na ito. HAHA.

Nareceive ko pala yung requirment chuvachuva. Takte parang hindi ata mapipirmahan lahat yun, may kulang pa akong requirment sa ibang subject. HABULAN na namaaaaaaan! Jusme, ayaw ko nang maranasan yung nangyari nung grade 6. Ayoko na! :| Kailangan ko na talagang magseryoso, MAGSERYOSO. :|

Hahabol ako sa requirments, hahabol ako.

"Ang pagpupuyat at para lamang sa mga matatalino!" --status ng Triplets at para sa akin 'yan. :))

what we could have been, 9:03 PM.



Damn.
Hell week ata sa akin 'to. DAMN. Lunes na lunes pa lang 2 long quiz na at ilang quiz. Buti na lang si Mrs. Catindoy at Ms. San Andres ay mabait at hindi na natuloy ang aming pagsusulit at nakakainis at dumagdag pa ang PEH sa mga quizzes. Ok, may naalala ako sa isang question sa quiz "what do you call the violation in which you are holding your ball without dribbling..." alam ko ang sagot ay travelling pero may naalala talaga ako. Kasi isa ako sa mga naviolate ng travelling at nakadalawang beses ako naviolate. Shet natatawa talaga ako.

Nako nung nagququiz kami sa math, ang daming nangangamote sa amin, at isa na ako sa mga 'yun kasi parang ang hirap nung matching type kasi nagawa ko na yung solution pero ang akin sagot ay hindi tugma sa mga pagpipilian, hinayaan ko na lamang 'yun.

Yey! Hindi namin nakita si Ms. De lara ngayon! Ok, sobrang saya na PEH ang naging subject namin nung Religion period. May "utang" daw si Ms. De lara kay Mrs. Yalong kaya ganun. Kami naman ay masaya!

Ang dami pang gagawin, yung EOP Journal at music PPT. Shet puyatan! Palakihan na ng EYEBAGS! Sige, ako'y kikilos na. Ingat kayo.





what we could have been, 6:30 PM.
Sunday, February 17, 2008


Hep, Hep!
Bagong blog! YEY! Sisipagin na akong magupdate dito. :) Sige magaayos ako ng layout. ;)

what we could have been, 10:43 AM.

Profile

Jia :)
Justine Vitangcol. 14. St. Theresa's College, QC. Filipina. Sophomore High.

Yeah, iPlurk
Plurk.com





Tagboard
Wishlist
▪ New camera
▪ iPod
• Staedler Pen
• New Bag. Hahaha.
• Lots of money. $.$
• HAPPY LIFE. Happier than now.
• FOREVER♥
Exits
Friendster Multiply DArt

Ate Andi Ate Bianca Ate Jaky Ate Megs Ate Melai Ate Jodie Ate Nicole Anelle Beyiia Cezca Cheska Clare Cutreenuh Denise Geneva Hillary Ikay Jaja Joey Liza Mamel Pauline Rina
Tolens Toney
Walker XTY
Archives
February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 August 2008 September 2008 October 2008
Credits
designed by lil.queens
photos: bexidaisy on DA
host: imageshack & imeem
inspiration & lyrics: TLG
title script source unknown.